MGA RASON KUNG BAKIT HINDI KA DAPAT MAG-POST NG BOARDING PASS SA SOCIAL MEDIA
Kadalasan sa pag-tratravel, hindi ma iwasan na meron tayong mga ‘instagrammable’ moment sa airport. Mostly, may isang litrato na napaka common na nakikita natin sa mga Instagram feeds or Snaps ng mga kaibigan natin o tayo mismo.
![]() |
| Source : Tripzilla |
Ang pagkuha ng litrato na hawak ang mga passport natin kung saan sumisilip ang boarding pass ay ang pinaka sikat na litrato na pinopost natin sa social media kapag nag-tratravel tayo.
Nakaka-alarma kung gaano kadali ngayon makakita ng mga totoong kuha ng nasabi kung litrato sa Google Images. Siguro sa isip nyo sasabihin nyo na naprapraning lang ako pero kapag nalaman nyo na ang mga dahilan for sure gusto nyo ring eh share ang impormasyong ito sa mga kaibigan nyo o di kaya buburahin nyo agad yung na post nyong litrato kagaya sa litratong tinutukoy ko pagkatapos nyong mabasa ang article na ito.
Hindi ako pwde magpakita ng kuha ng isang totoong boarding pass sa ngalan ng pagiging confidential na mas ipapaliwanag ko pa mamaya.
Ang mga sumusunod na impormasyon ang kadalasang nakikita o sumisilip sa kanang dulo ng boarding pass mula sa mga passport natin kapag kinukuhanan natin ito ng litrato:
- Pangalan ng Pasahero
- Flight Number
- Paroroonan
- Boarding Gate
- Seat Number
- Barcode o QR Code
Kung meron mang mga taong careless sa confidential information nila, meron din namang mga tao na mas maingat kung saan nagagawa nilang takpan o palabuin ang mga pangalan nila at flight numbers. Kung sabagay, marami sa atin na gawa na rin sa pagiging excited sa pag-tratravel, lalo na mga first timer, nakakalimutan natin ang mga ganitong bagay. Pero sa pag takip o palabuin ang pangalan at flight number hindi nangangahulugang ligtas ka na at ang confidential information mo. Pwde pa rin itong pakinabangan ng mga stalker dahil ang pinaka-importanteng ditalye ay naiwang nakabandera sa litrato na kuha natin. Ang naiwang nakabanderang detalye ay nagbibigay hindi lamang ng kasalukuyang impormasyon sa paglalakbay mo kundi pati narin sa nakaraan at susunod mo pang mga byahe. Nagdadala ito ng malaki at mahalagang impormasyon tungkol sa mga gawi mo sa pag-tratravel.
Barcode
Oo, barcode. Kung meron pa kayong nakatagong boarding pass sa last travel nyo, eh try nyo mag experiment. Kunan mo ng picture ang barcode o QR code ng boarding pass mo at gumamit ng libreng decoder kagaya ng Inlite upang i-decode ito.
Kadalasan, ang impormasyong makukuha mula sa pag decode ng barcode ng boarding pass mo ay sapat na upang ma access ang iyong account sa website ng airline. Pwedeng makuha ng ibang tao ang iba mo pang mga detalye sa byahe mo. Dahil may access na sila, may kakayahan na silang eh cancel, baguhin ang flight at seat number mo. Pwede din nila makuha address mo at makikita pa ang mga record sa nakaraan at nakaplanong lipad mo sa tulong ng Frequent Flyer Number mo..
Ang Passenger Name Record o PNR na nagsisilbing natatanging paraan ng pagkilala sayo sa computer reservation ay pwede din nilang makuha at kasama dito ang mga detalye ng ruta mo at ng mga kasama mo sa paglipad.
Kung magpapadala tayo sa ating excitement at pagiging proud na nakapag travel tayo, pwede itong magdala ng panganib sa atin sa mga paraang tulad ng mga sumusunod:
Pagnanakaw
Sa pamamagitan ng iyong impormasyon, pwedeng pasukin nga ibang hindi mapagkakatiwalaang tao ang iyong bahay lalot na’t may ideya sila kung gaano kayo katagal mawawala. At pwede rin mabiktima ka sa tinatawag nilang identity thief.
Pangengealam Sa Laman Ng Account Mo
Sa kadahilanan na may access na sila sa account mo gamit ang Frequent Flyer No mo, pwede nilang mabago ang seat number, meals, o worst baguhin ang petsa ng lipad mo o eh cancel ito.
Pag-blackmail
Dahil iisa lang ang magiging PNR mo at ibang mga tao na hindi related sayo maaaring makita ang mga impormasyon na ito sa account mo. Posibleng makuha pati ang impormasyon ng mga kasamahan mo. Pwede itong gamitin laban sayo at magawang i-blackmail pa sila.
Paggamit Ng Miles
Ang mga naipon mong Miles o pontos para sa sarili ay pwedeng makuha kapag hawak na ng ibang tao ang Frequent Flyer Number mo.
Kapag napunta sa maling kamay ang mga impormasyong laman ng barcode sa boarding pass mo posibleng mangyari ang nabanggit na halimbawa at maaaring makagawa ng iba pang mas malalang mga bagay sayo.
Sirain Imbes Na I-Share
Imbis na intindihin natin kung paano makakakuha ng perfect picture para sa boarding pass natin. Mas mabuting pag tuonan ng pansin kung paano natin ito masisira upang hindi makuha ng ibang tao ang importanteng impormasyon natin. Kung walang shredding machine pwede itong punitin o gumamit ng gunting para eh cut ito ng sobrang liit bago itapon.
Tandaan: Bago ka man mag isip kung ano magandang angulo para sa passport shot mo para ipang post sa social media, ilalahanin muna ang sariling kaligtasan.
Kung sa tingin nyo makakatulong ang artikulo na ito sa iyong mga kaibigan o mga mahal sa buhay, wag mag atubiling eh share sa kanila.


Post a Comment